IBALIK ANG TRANSPORTASYON SA MASA!

NO TO JEEPNEY PHASEOUT!

Kasabay ng nalalapit na pagtatapos ng taon, ay siya ring maaring pagka-wala ng kabuhayan ng libo-libong tsuper sa ating bansa. Ito ay dahil sa jeepney phaseout na magaganap sa katapusan ng Disyembre 2023.

Sa bawat destinasyon na ating narating, bawat isa sa atin ay minsan ding naging pasahero. Ngayon, atin namang samahan ang ating mga tsuper tungo sa kanilang laban upang mapanatili ang kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng petisyong ito, tayo ay magkaisa at makibuklod upang harapin ang laban ng mga tsuper at komyuter sa nalalapit na Jeepney Phaseout. Ang labang ito ay hindi lamang laban ng mga tsuper at komyuter ngunit laban din ng mga Pilipino tungo sa maka-taong pag-unlad na siya namang inaasam ng lahat.

Kaya naman, ating ibalik ang transportasyon sa masa!


Bukluran ng Progresibong Mag-aaral    Contact the author of the petition

Sign this Petition

By signing, I accept that Bukluran ng Progresibong Mag-aaral will be able to see all the information I provide on this form.

We will not display your email address publicly online.

We will not display your email address publicly online.


I give consent to process the information I provide on this form for the following purposes:




Paid advertising

We will advertise this petition to 3000 people.

Learn more...